Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 68,274
Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (December 28, 3:00 PM) nakapagtala ng 62 na bagong kaso kaya pumalo na sa 68,274 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 17,781
Laguna – 18,169
Batangas – 11,552
Rizal – 14,656
Quezon – 6,116
Ang bilang ng active cases sa mga lalawigan ay 4,605.
Nasa 61,773 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 423 na bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 16,317
Laguna – 16,883
Batangas – 10,771
Rizal – 12,823
Quezon – 4,979
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 11 kaya umabot na sa 1,896 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 499
Laguna – 410
Batangas – 339
Rizal – 473
Quezon – 175
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.