Pahayag na pagbasura sa VFA kapag hindi nagbigay ng COVID-19 vaccine ang U.S., hindi pangba-blackmail – Palasyo
Hindi pangba-blackmail ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan nang ibabasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) kung hindi bibigyan ng Amerika ng bakuna kontra COVID-19 ang Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isinusulong lamang ng Pangulo ang independent foriegn policy ng Pilipinas na hindi maaaring tuta ang bansa kaninuman.
Una rito, nagbanta ang Pangulo na mawawala na ang VFA kapag hindi nakakuha ang Pilipinas ng bakuna sa Amerika.
Tama naman aniya ang pahayag ng Pangulo na dapat na nagtutulungan ang mga magkakaibigang bansa.
Kung hindi aniya tutulungan ng Amerika ang Pilipinas, mas mabuti kung sa mga bansang binigyan nila ng bakuna na lamang sila pumasok sa isang VFA.
Hindi aniya dapat na masamain ng Amerika ang pahayag ng Pangulo dahil naging tapat lamang ang Punong Ehekitubo sa istilo ng pananalita.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.