Maine Mendoza nagpasaklolo sa NBI; itinangging siya ang nasa kumakalat na sex video
Sinabi ni television host / actress Maine Mendoza na kamukha lang niya ang babae sa kumakalat na sex video at mariin ang pagtanggi na siya ang nasa malaswang video.
Kasabay ito nang pagdulog ng kanyang ina at abogado sa NBI Cyber Crime Division para maimbestigahan ang kumakalat na sex video.
Nais din ng kampo ng Eat Bulaga host na makasuhan ang responsable sa pagpapakalat ng sex video.
Nauna nang naglabas ng pahayag ang kanyang manager at sinabing peke ang video sabay pag-amin na lubos itong nakakaapekto sa imahe ng actress – host.
Nanganko naman NBI chief cyber crime investigator Victor Lorenzo na masusi nilang iimbestigahan nila ang sex video.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.