VAT exemptions sa mga PWDs, nilagdaan na ni PNoy

March 30, 2016 - 04:23 AM

 

Inquirer file photo

Nilagdaan na ni Pangulong Aquino ang pagsasabatas ng panukalang pagbibigay ng 12-percent value added tax (VAT) exemption sa mga persons with disabilities (PWDs).

Nakasaad sa Republic Act No. 10754 na ipinanukala ni Leyte Rep. Martin Romualdez na mabibigyan ng VAT exemption ang mga PWDs sa mga piling produkto at serbisyo.

Tulad ng mga senior citizens, may 20 percent discount ang mga PWDs sa mga medical at dental services, sa pagbili ng mga gamot, pamasahe, admission fees sa mga sinehan at iba pang amusement at lodging establishments, ngunit bago pa malagdaan ang batas na ito, nagbabayad pa rin sila ng 12 percent VAT.

Dahil dito, mas masusulit na ng mga PWDs ang mga benepisyong natatamasa nila tulad ng sa mga senior citizens.

Ayon kay Communications Sec. Herminio Coloma Jr., bagaman kahapon lamang siya nasabihan tungkol dito, nilagdaan ng Pangulo ang batas noon pang March 24.

Noong Disyembre niratipikahan sa Kamara at Senado ang nasabing panukala, at dinala sa Malacañang noong March 2.

Lubos namang nagpasalamat si Romualdez kay Pangulong Aquino sa pagsasabatas sa kaniyang panukala na aniya’y nagpapakita ng malasakit sa mga PWDs.

Una na rin kasing nagpahayag ng pag-aalala ang mga PWDs na baka matulad sa SSS pension hike bill ang kahahantungan ng panukala para sa kanila.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, nasa 1.5 million ang populasyon ng mga PWDs sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.