BREAKING: Bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa umabot na sa 467,601 – DOH

By Mary Rose Cabrales December 25, 2020 - 04:55 PM

Tumaas pa ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa.

Ayon sa huling datos ng Department of Health (DOH), 1,885 ang bagong naitalang kaso ngayong araw ng Biyernes (December 25) kaya umabot na sa 467,601 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa bansa.

307 naman ang bagong naitalang gumaling o naka-recover na sa COVID-19 sa bansa kaya umabot na ito sa 430,791.

Ang bilang naman ng nasawi ay nadagdagan ng 7 kaya umabot na ito sa 9,062.

Paalala naman ng DOH ngayong ipinagdiriwang natin ang Pasko ay dapat limitahan lamang sa immediate family members ang mga pagtitipon, masusustansyang pagkain din ang ihain at laging tandaan ang pagsusuot ng face mask at face shield sa paglabas at iwasan din ang pakikihalubilo sa maraming tao.

 

TAGS: coronavirus, COVID-19, doh, Health, coronavirus, COVID-19, doh, Health

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.