Araw-araw na pag-aabot ng pagkain at gamot sa mga PDL pinayagan ng BuCor

By Dona Dominguez-Cargullo December 24, 2020 - 10:05 AM

Dahil Christmas season, pinayagan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang araw-araw na pag-aabot ng pagkain at gamot sa mga PDL.

Ayon sa Bucor, kung dati ay weekends lamang pwedeng mag-abot ng pagkain at gamot, ngayon ay papayagan ito araw-araw mula 8AM to 5PM.

Sakop nito ang mga nasa minimum, medium, at maximum security compound at maging ang nasa Reception and Diagnostics Center.

Pero pansamantala lamang ito o hanggang December 31, 2020 lamang para sa diwa ng Pasko at Bagong Taon.

Sa Enero 2021, balik muli sa weekends lamang ang pag-aabot ng pagkain at gamot sa PDLs.

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, bucor, food and medicine, Inquirer News, PDLs, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, bucor, food and medicine, Inquirer News, PDLs, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.