Amihan lalakas pa, malaking bahagi ng Luzon maaapektuhan; LPA mabubuo sa bahagi ng Mindanao

By Dona Dominguez-Cargullo December 24, 2020 - 05:15 AM

Ngayong bisperas ng Pasko inaasahang lalakas pa ang amihan at makaapekto sa iba pang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila.

Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw, ang Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region ay makararanas ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan dahil sa Amihan.

Sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon, bahagyang maulap na papawirin ang iiralna may isolated na pag-ulan.

Sa Visayas at Mindanao, maalinsangan ang panahon at iiral lamang ang localized thunderstorms.

Samantala, sa susunod na 36 na oras isang Low Pressure Area (LPA) ang posibleng mabuo sa bahagi ng Mindanao.

Ang trough o extension nito ay magdudulot ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas, Mindanao at bahagi ng Palawan simula sa weekend.

 

 

 

TAGS: amihan, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, LPA, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, amihan, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, LPA, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.