AFP: NPA may 3,700 pang miyembro, mga terorista nasa 600

By Jan Escosio December 22, 2020 - 11:52 PM

Sa pagtataya ng Armed Forces of the Philippines o AFP, may 3,700 pang miyembro ang New People’s Army o NPA sa ngayon at 600 naman ang lokal na terorista.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gilbert Gapay, magpapatuloy ang pagkasa nila ng mga opensiba laban sa mga rebelde para tuluyan nang mabura ang mga ito sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Sinabi pa nito na ang mga terorista ay mga miyembro ng Abu Sayyaf Group, BIFF, Daulah Islamiyah, Maute Group at Ansar Kilafah.

Pag-amin ng opisyal, malaking hamon pa rin sa AFP ang mga rebelde at terorista, ngunit diin niya, patuloy na bumababa ang bilang ng mga ito.

Patunay aniya nito ang nabawasan bilang ng mga ikinasang pag-atake ng mga kaaway ng gobyerno.

TAGS: abu sayyaf group, Ansar Kilafah, BIFF, Chief of Staff Gilbert Gapay, Daulah Islamiyah, Inquirer News, local terrorist, Maute Group, NPA, Radyo Inquirer news, abu sayyaf group, Ansar Kilafah, BIFF, Chief of Staff Gilbert Gapay, Daulah Islamiyah, Inquirer News, local terrorist, Maute Group, NPA, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.