Bentahan ng dinamita at iba pang uri ng pampasabog pinamomonitor sa DILG
Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Interior and Local Government (DILG) na i-monitor at higpitan ang bentahan ng dinamita at iba pang uri ng mga pampasabog sa mga kumpanya ng pagmimina.
Pinagdududahan kasi ng pangulo kung saan nakakukuha ang komunistang rebelde ng mga pampasabog para sa landmine na karaniwang ginagamit laban sa mga sundalo.
Ayon sa pangulo, panahon na para magpatupad ng mas istriktong patakaran.
Dapat aniyang kumuha muna ng clearance ang mga mining company sa DILG bago makabili ng dinamita.
Sa ganitong paraan aniya mamo-monitor ng pamahalaan ang mga pampasabog na ginagamit ng mga rebelde.
Hindi naman kasi aniyang maaring tapatan ng mga sundalo ang paggamit ng landmine ng mga rebelde dahil labag ito sa Geneva convention.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.