Koleksyon ng sin tax, inaasahang tataas ngayong 2016

By Kathleen Betina Aenlle March 29, 2016 - 05:15 AM

Inquirer file photo
Inquirer file photo

Inaasahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na tataas ang kanilang magiging singil sa mga tinatawag na “sin products” tulad ng alak at sigarilyo ng hanggang sa P150.4 billion ngayon taon.

Ito ang tinatantyang magiging resulta ng kanilang planong mas mahigpit na implementasyon at pagbabantay sa bayad ng mga kumpanya ng mga nasabing sin products.

Ang nasabing target ngayong taon ay katumbas ng 6 percent na pagtaas mula sa koleksyon noong nakaraang taon na umabot sa P141.8 billion.

Mas mataas ang naturang koleksyon kumpara sa itinalagang target noong 2015 na P119.1 billion lamang.

Ngayong taon, target ng BIR na maka-kolekta ng P104.4 billion mula sa tobacco, at halos P46 billion naman mula sa alak.

Noong nagdaang taon kasi ay P100 billion ang nakolektang tax ng BIR mula sa sigarilyo at P28.3 billion sa mga fermented liquor, P13.5 billion mula sa distilled spirits at compounded liquors, at P50 million naman mula sa wines.

Lumalabas sa datos ng BIR na tumaas ang excise taxes sa alak at sigarilyo sa simula pa lang ng taong ito ng 37.4 percent year-on-year, na nagkakahalaga ng P18.5 billion sa pagtatapos ng buwanng Pebrero.

Nalampasan nito ang two-month target an P16.3 billion.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.