Kontrata para sa 20 million doses ng AstraZeneca COVID vaccine maaring malagdaan ngayong buwan
Bago matapos ang buwan ng Disyembre maaring malagdaan na ang kontrata para sa 20 million doses ng bakuna laban sa COVID-19 mula sa kumpanyang AstraZeneca.
Ayon kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., maaring lagdaan na ang kontrata sa Dec. 28 o 29.
Hinihintay na lamang aniya ang Ministry of Health regulatory authorization mula sa United Kingdom.
Maliban dito, sinabi ni Galvez, na tiyak na ding makakakuha ng 30 million doses ng Novavax vaccine mula India ang Pilipinas.
Maari aniyang pagsapit ng second quarter o third quarter ng 2021 ay makakamit ang target na 60 million vaccine sa bansa.
Kasama rin sa posibleng bilhin ng pamahalaan ay ang mga bakuna mula China na Sinovac, Sputnik V ng Russia at ang bakuna mula sa Pfizer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.