Eastern section ng Northern Luzon apektado ng Tail-end ng Frontal System

By Dona Dominguez-Cargullo December 22, 2020 - 05:05 AM

Makararanas pa rin ng pag-ulan ngayong araw sa ilang bahagi ng Northern Luzon.

Ayon sa PAGASA, maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan including Babuyan Islands, Isabela, Kalinga, Apayao, at Ilocos Norte dahil sa Tail-end ng Frontal System.

Magiging maulap din ang papawirin at makararanas pa din ng kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol Region, Aurora, Quezon, at Kalayaan Islands, dahil sa buntot ng dating si Bagyong Vicky at saeasterlies.

Amihan naman ang maghahatid ng mahihinang pag-ulan sa Batanes.

Habang sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa, bahagyang maulap na papawirin ang iiral, na mayroong isolated na pag-ulan dahil sa easterlies.

Ang dating bagyong Vicky ay tuluyan nang lumayo sa bansa at huling namataan sa layong 415 kilometers southwest ng Pagasa Island, Palawan.

 

 

 

TAGS: amihan, easterlies, northern luzon, Pagasa, Tail-end of a frontal system, VickyPH, weather, amihan, easterlies, northern luzon, Pagasa, Tail-end of a frontal system, VickyPH, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.