3 barko, ibinigay ng Australia sa Pilipinas

By Kathleen Betina Aenlle March 29, 2016 - 12:52 AM

PH-vessels from australiaNakatanggap ang Pilipinas ng tatlong karagdagang landing craft heavy ships mula sa Australia noong Sabado.

Ayon kay Philippine Navy spokesperson Captain Lued Lincuna, ang tatlong nasabing batko ay tulad rin ng mga barkong ibinigay ng Australia sa bansa noong nakaraang taon.

Dinala ang mga decomissioned na barko ng Royal Australian Navy sa Liloan, Cebu noong Sabado sa pamamagitan ng cargo ship mula sa NTG.

Ani Lincuna, dadalhin ang mga barko mula sa Cebu patungo sa shipyard ng Navy sa Cavite sa May para sa kanilang tentative commissioning, kasabay ng kanilang anibersaryo.

May nasa 30 tauhan ang itinalaga sa mga barko habang ito ay sumasailalim sa mga minor repairs at kaunting pag-aayos.

Dagdag pa ni Lincuna, malaking tulong ang mga dumating na barko mula sa Australia para mas paigtingin ang kanilang serbisyo at kapabilidad na gawin ang kanilang tungkulin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.