Hustiya para sa mag-inang pinatay ng pulis sa Tarlac, pinasisiguro ni Speaker Velasco

By Erwin Aguilon December 21, 2020 - 05:36 PM

Kinondena ni Speaker Lord Allan Velasco ang pamamaril ng isang pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Ayon kay Velasco, dapat maparusahan si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa pagpatay kina Sonya at Anton Gregorio.

Dapat aniyang maimbestigahang mabuti ang insidente at matiyak ang hustisya para sa mga biktima.

Kasabay nito’y sinabi ng Speaker na dapat paalalahanan ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang hanay nito sa wasto at responsableng paggamit ng baril.

Base sa paunang imbestigasyon, nag-ugat ang pamamaril dahil sa pagpapaputok ng boga.

Pumunta umano ang suspek sa bahay ng mga biktima para sitahin ang nagpapaputok hanggang sa magkasagutan na humantong sa pamamaril.

TAGS: double murder, Inquirer News, Jonel Nuezca, PNP, Radyo Inquirer news, Speaker Lord Allan Velasco, double murder, Inquirer News, Jonel Nuezca, PNP, Radyo Inquirer news, Speaker Lord Allan Velasco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.