CHR kinondena ang pagpaslang ng pulis sa mag-ina Paniqui, Tarlac

By Dona Dominguez-Cargullo December 21, 2020 - 11:57 AM

Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpaslang ng isang pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Ayon sa CHR, ang mga miyembro ng police force ay inaasahang disiplinado, at propesyunal at sila ay mayroong motto na “To Serve and Protect”.

Kaya hindi umano katanggap-tanggap ang insidente ng pagpatay ni PSMS Jonel Nuezca sa mag-inang sina Sonya Gregorio, 52, at Frank Anthony Gregorio, 25 na kapwa walang armas at hindi naman nanlalaban.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann De Guia, muli silang nananawagan sa pamahalaan na magsagawa ng malawakang imbestigasyon sas mga alegasyon ng arbitrary killing.

Kasabay nito, umapela din ang CHR sa publiko na protektahan ang interest ng bata sa video na sinasabing anak ni Nuexca.

Ang pagbabahagi umano ng larawan at pangalan nito ay maaring magdulot ng trauma sa bata.

Ayon sa CHR, nagsasagawa na din ang kanilang Regional Office ng imbestigasyon sa insidente.

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, CHR, doublemurder, Inquirer News, JonelNuezca, PaniquiTarlac, Philippine News, PNP, Radyo Inquirer, SonyaGregorio, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, CHR, doublemurder, Inquirer News, JonelNuezca, PaniquiTarlac, Philippine News, PNP, Radyo Inquirer, SonyaGregorio, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.