Paggamit ng Thai Enquirer kay Presidential Spokesperson Harry Roque bilang GIF sa anti-COVID campaign patunay na epektibo ang kampanya ng Pilipinas
Sa halip na mapikon, maluwag na tinanggap ni Presidential Spokesman Harry Roaue ang paggamit ng Thai News website na Thai Enquirer sa kaniya bilang GIF o graphics interchange format bilang paalala sa publiko na sumunod sa health protocols kontra sa COVID-19.
Ayon kay Roque, patunay ito na epektibo ang mensahe ng gobyerno laban sa COVID-19 dahil nakuha nito ang international attention.
“The fact that the Philippine government’s advocacy campaign has caught international attention underscores how effective our message is – which we articulate in every press briefing and which we prominently display on the podium — in conveying that we must adhere to such health standards aimed at saving lives and protecting the communities,” pahayag ni Roque
Paalala ni Roque patuloy na magsuot ng face mask, face shield, maghugas ng kamay at dumistansya sa bawat isa.
“Let everyone be reminded therefore that in this holiday season, we should continue to wear face masks/face shields, wash our hands, and maintain a physical distance to have safe and healthy 2021,” pahayag ni Roque.
Base sa tweet ng Thai Enquirer, pinaaalalahanan nito ang kanilang mga follower na sumunod sa health protocols gamit ang GIF ni Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.