RFID stations sa SMC Tollways sarado sa Pasko at Bagong Taon
May pagbabago sa operating hours ng RFID Stations sa mga tollways na pag-aari ng San Miguel Corporation ngayong holiday season.
Batay sa abiso, sarado ang RFID stations sa mismong araw ng Pasko, December 25 at sa Bagong Taon, January 1.
Sa December 24 naman bisperas ng Pasko at December 31 bisperas ng Bagong Taon, hanggang alas 12:00 ng tanghali lamang ang operasyon ng RFID stations.
Sa mga mayroong appointments na apektado ng pagbabago sa operating hours, ia-accommodate sila simula December 26. 2020 hanggang January 7, 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.