Yellow heavy rainfall warning nakataas pa rin sa Aurora at Nueva Vizcaya
Nakararanas pa rin ng malakas at patuloy na pag-ulan sa lalawigan ng Aurora at Nueva Vizcaya.
Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ngayong Lunes, Dec. 21 yellow warning level pa rin ang nakataas sa buong lalawigan ng Aurora at sa bayan ng Alfonso Castañeda sa Nueva Vizcaya.
Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mababang lugar at landslides sa bulubunduking lugar.
Samantala, nakararanas naman ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Dinapigue, Palanan at San Mariano sa Isabela; Maddela at Nagtipunan, Quirino; Dupax del Sur, Dupax del Norte at Kasibu, Nueva Vizcaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.