Kaso ng COVID-19 sa US nadagdagan ng mahigit 175,000 pa; mahigit 1,000 pa ang nasawi

By Dona Dominguez-Cargullo December 21, 2020 - 08:25 AM

Umabot na sa lagpas 18.2 million ang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 175,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa US.

Dahil dito, umabot na sa 18,259,684 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 10.6 million na ang gumaling sa COVID-19 sa US at mayroon pa itong mahigit 7.3 million pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 1,300 pang pumanaw sa US dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 324,844 na.

 

 

TAGS: Dona Dominguez-Cargullo, US, US COVID Cases, Dona Dominguez-Cargullo, US, US COVID Cases

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.