Prime Minister ng Israel naturukan na ng COVID-19 vaccine

By Dona Dominguez-Cargullo December 21, 2020 - 07:29 AM

Sina Prime Minister Benjamin Netanyahu at Health Minister Yuli Edelstein ang unang tumanggap ng COVID-19 vaccine sa Israel.

Kahapon, nabakunahan ang prime minister sa Sheba Medical Center.

Sinabi ni Netanyahu na simula na ito ng unti-unting pagbabalik sa normal ng sitwasyon sa bansa.

Ang mga bata ay muling mayayakap ng kanilang mga magulang, lolo at lola at iba pang mahal sa buhay.

Unti-unti na ring magbabalik ang negosyo gayundin ang mga sports sa Israel.

Kasabay nito nanawagan si Netayahu sa mga mamayan ng Israel na magpabakuna laban sa COVID-19.

Ang bakuna ng Pfizer ang unang naging available sa Israel at nakatakda nang magsagawa ng mass vaccination sa kanilang mga mamamayan.

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, covid 19 vaccine, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, israel, MGCQ, pandemic, Philippine News, Prime Minister Benjamin Netanyahu, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, covid 19 vaccine, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, israel, MGCQ, pandemic, Philippine News, Prime Minister Benjamin Netanyahu, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.