Israel nagpatupad ng travel ban sa mga biyahero mula UK, Denmark at South Africa
Nagpatupad ng travel ban ang bansang Israel sa mga biyahero na galing ng UK, Denmark at South Africa.
Kasunod ito ng pinangangambahang bagong strain ng coronavirus mula sa tatlong bansa.
Inanunsyo din ng pamahalaan ng Israel ang pagpapatupad ng mas mahigpit na polisiya sa mga mamamayan nilang uuwi galing sa nasabing mga bansa.
Dadalhin sila sa army-run hotels na nagsisilbing quarantine centers.
Una nang nagpatawag ng pulong si Prime Minister Benjamin Netanyahu sa tinagurian niyang “corona cabinet” para talakayin ang natuklasang bagong strain ng virus.
Ang bagong strain ay napaulat na kumakalat sa London, southeast England, South Africa at Denmark.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.