‘Doc Santa’ namahagi ng relief goods sa mga naapektuhan ng bagyo; mga bata isinailalim sa psycho social processing
Nagsagawa ng relief mission ang mga doktor ng Philippine Medical Association (PMA) sa mga nasalanta ng nagdaang bagyo sa Rodriguez, Rizal.
Ayon kay Dr. Mike Aragon, na siya ring chairman ng Clean Air Philippines Movement Inc., pinuntahan ng mga tinaguriang “Doc Santa” ang mga pamilyang nasalanta ng bagyo sa Kasiglahan Village, Brgy. San Jose.
Namahagi sila ng 1,000 relief packs sa mga naapektuhang pamilya.
Naglalaman ito ng mga can goods, hygiene kits, health kits, bigas at mga damit.
Aabot naman sa 30 mga bata ang isinailalim sa psycho social processing.
Tinuruan din sila ng tamang paggamit ng face shields at face masks.
Tumanggap din ang mga bata ng mga laruan at mga gamit sa pag-aaral.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PMA President Dr. Benito Atienza, katuwang ang Philippine Coast Guard, PNP Maritime Group, Beta Sigma Fraternity Medical Group, CAMPI, at League of Data-Privacy and Cyber-Security Advocates of the Philippines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.