Bagyong Vicky nasa labas na ng bansa; tropical storm warning signal number 1 nakataas pa rin sa Kalayaan Islands
Papalayo na ng Kalayaan Islands ang tropical storm Vicky.
Huling namataan ang bagyo sa layong 175 kilometers South Southwest ng Kalayaan, Palawan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong Southwest.
Ayon sa PAGASA, ngayong araw ang Northeast Monsoon na pinalalakas ng bagyong Vicky ay magpapa-ulan sa malaking bahagi ng Luzon.
Makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ngayong araw sa Kalayaan Islands, eastern portion ng mainland Cagayan Valley, Aurora, at sa northern portion ng Quezon.
Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa mainland nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, Babuyan Islands, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Camarines Norte at nalalabing bahagi ng Quezon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.