Sen. Go, umapela sa gov’t officials na magkaisa sa paglaban sa COVID-19

By Chona Yu December 20, 2020 - 01:44 PM

Umaapela si Senador Christopher “Bong” Go sa mga kapwa opisyal ng pamahalaan na tigilan na muna ang bangayan at magkaisa na lamang para malagpasan ng bansa ang pandemya sa COVID-19.

Pahayag ito ni Go sa gitna ng sisihan at pagtuturuan nina Foriegn Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr, Health Secretary Francisco Duque III at Senador Panfilo Lacson kung bakit naantala ang pagbili ng Pilipinas ng bakuna kontra COVID-19 sa kompanyang Pfizer.

Ayon kay Go, chairman ng Senate committee on Health, dapat magkaisa para maayos na maipatupad ang whole-of-nation approach.

“Huwag na po muna tayong magturuan at magsiraan pa. Ang problema diyan magkakasama kayo sa Gabinete, kayo pa ang nagtuturuan. Hindi po nakakatulong sa Duterte Administration kung kayu-kayo mismo ang nagtuturuan, kung sino ang may kasalanan,” pahayag ni Go.

Umaapela rin si Go kay Duque na magpaliwanag sa publiko matapos ang alegasyon na siya ang dahilan sa pagkaantala sa pagbili ng bakuna.

“Suportahan na lang natin ang ating mga health officials. Si Secretary Duque, kung mayroon ka mang pagkukulang, i-explain mo po sa publiko,” pahayag ni Go.

“[Hindi] ko naman po masasabi kung mayroon tiwala o walang tiwala ang mga taumbayan sa kaniya pero ang ating Pangulo ay may tiwala sa kaniya. And prerogative ng Pangulo kung sino ang gusto niyang mamuno ng isang departamento,” dagdag ng Senador.

TAGS: covid vaccine, Inquirer News, pfizer, Radyo Inquirer news, Sec. Francisco Duque III, Sec. Teodoro Locsin Jr., Sen. Bong Go, Sen. Panfilo Lacson, covid vaccine, Inquirer News, pfizer, Radyo Inquirer news, Sec. Francisco Duque III, Sec. Teodoro Locsin Jr., Sen. Bong Go, Sen. Panfilo Lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.