Indigenous people sa Porac, Pampanga nakatanggap ng ayuda mula sa DENR

By Chona Yu December 20, 2020 - 01:41 PM

Nagbigay ng ayuda ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa indigenous people sa Barangay Camiad sa Porac, Pampanga.

Sa ginanap na gift-giving activity na may temang “Sa Gitna ng Pandemya, Buhay at Kapaligiran ay Mahalaga,” sinabi ni Undersecretary Benny Antiporda na sa ganitong paraan, mabibigyan ng pagasa ang IPs sa gitna ng pandemya sa COVID-19.

“As President Rodrigo Roa Duterte said, no one should be left behind. We heal as one,” pahayag ni Antiporda.

“You deserve these gifts. We are simply giving them back to you,” paliwanag pa nito sa mga Aeta.

Nakatanggap ang IPs ng groceries, vitamins, face masks, face shield at alcohol. Ito ay tinanggap ng kanilang barangay leaders at elders dahil na rin sa pagsunod sa social distancing protocol at limitasyon sa mass gathering.

“The DENR counts IPs among its valued stakeholders because they are considered stewards of environmental protection,” saad pa ni Antiporda.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) Edwin Abuque na, “it is important that we protect the forest and trees because these are our first line of defense against floods. They help protect those who reside at the foot of the mountains.”

Idinagdag pa nito na ang mga puno at halaman ay kayang manggamot dahilan upang walang IPs ang tinamaan ng COVID-19.

Hiniling din ni Antiporda sa Aetas na magtanim ng bigas at cacao sa mga bakanteng lupa sa kanilang nasasakupan upang may pagkunan ang mga ito ng kanilang makakain at kabuhayan.

Nakahanda rin si Antiporda na magbigay ng agricultural machineries na makatutulong sa mga ito sa pagtatanim.

“Nurture your land. We will not give you fish to eat but we will teach you how to fish,” paliwanag pa nito.

Nagpalasamat naman ang Aetas dahil sila ang napili upang makatanggap ng tulong lalo na sa nalalapit na ang Kapaskuhan.

Nangako din ang mga ito na patuloy na poprotektahan ang kabundukan na ikinokonsidera ng mga ito na kanilang tahanan.

TAGS: DENR, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Usec. Benny Antiporda, DENR, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Usec. Benny Antiporda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.