LOOK: Maraming lugar sa Bislig City nakaranas na ng pagbaha dahil sa pag-ulan na dulot ng bagyong Vicky

By Dona Dominguez-Cargullo December 18, 2020 - 02:14 PM

Nakaranas na ng pagbaha sa maraming mga lugar sa Bislig City dahil sa nararanasang patuloy na malakas na buhos ng ulan.

Sa huling rainfall advisory ng PAGASA kasama ang Surigao del Sur sa nakasailalim na sa orange rainfall warning.

Ayon sa City Information Office ng Bislig, kabilang sa binaha ang Brgy. Mangagoy.

Nagsagawa na ng inspeksyon si Bislig City Mayor Florencio Garay sa mga lugar na naapektuhan ng pagbaha.

Inatasan din ng alkalde ang mga purok official sa mga apektado ng pagbaha na magpatupad ng paglilikas sa kanilang mga residente sa sandaling hindi humupa ang tubig-baha.

 

 

TAGS: Bislig City, Breaking News in the Philippines, flood, Inquirer News, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, surigao del sur, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Bislig City, Breaking News in the Philippines, flood, Inquirer News, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, surigao del sur, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.