Orange heavy rainfall warning nakataas pa rin sa maraming lalawigan sa Mindanao
Nakararanas pa rin ng malakas na buhos ng ulan sa maraming lalawigan sa Mindanao dahil sa bagyong Vicky.
Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 9:00 ng umaga ngayong Biyernes, Dec. 18, orange warning level pa rin ang nakataas sa Agusan del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, at Bukidnon.
Ayon sa PAGASA nagbabadya na ang pagbaha lalo na sa mabababang lugar.
Yellow warning level naman na ang umiiral sa Davao City, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Maguindanao, Camiguin, Surigao del Norte, North Cotabato at Zamboanga del Norte.
Samantala, katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan na sa Sultan Kudarat, South Cotabato, Zamboanga del Sur, at Sarangani.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.