Mahigit 300 estudyante sa Nigeria pinalaya na matapos dukutin ng Boko Haram
Nakalaya na ang mahigit 300 mga estudyate sa Nigeria ilang araw matapos silang manatili sa kamay ng kanilang abductors.
Ang pag-atake ay inako ng Boko Haram, kung saan noong Biyernes, pinasok nila ang rural school sa Kankara, Katsina at pinagkukuha ang nasa 344 na mga estudyante na pawang lalaki.
Ayon kay Governor Aminu Bello Masari pawang ligtas na ang mga mag-aaral.
Sasailalim muna sila sa medical check up at saka ibabalik sa kanilang pamilya.
Noong 2014, may kaparehong pag-atake ang Boko Haram kung saan 276 na estudyanteng babae naman ang kanilang dinukot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.