U-turn slot sa EDSA malapit sa QC Academy muling binuksan ngayong araw
Simula alas 6:00 ng umaga ngyaong Biyernes (Dec. 18), bukas na muli sa mga motorista ang U-turn slot sa EDSA malapit sa Quezon City Academy.
Ayon sa QC Local Government, ang U-turn slot ay para lamang sa light vehicles.
Bawal ding dumaan sa Quezon City Academy U-turn slot ang mga sasakyan na galing sa Misamis Street at SM Annex at ang mga galing sa Nueva Ecija Street.
Binuksan din ang bahagi ng U-turn sa Dario Bridge pero para lamang ito sa emergency vehicles at marked government vehicles.
Tutulong ang QC Task Force on Transport ang Traffic Management, Task Force Disiplina at Quezon City POlice District para magmando ng traffic sa nasabing mga U-turn slots.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.