244 suspected smugglers inasunto ng Customs Bureau
Nagsampa ang Bureau of Customs ng 70 kasong kriminal laban sa 244 hinihinalang smugglers simula noong Enero hanggang sa unang linggo ng kasalukuyang buwan.
Sa ulat na natanggap ni Finance Sec. Carlos Dominguez III, bukod pa dito ang pagpapasara ng 10 customs bonded warehouses dahil na rin sa iba’t ibang mga paglabag.
Aabot naman sa P9.52 bilyon halaga ng kontrabando, kalahati ay mga produktong tabako, ang nasabat ng kawanihan.
Bukod pa dito ang P32.59 milyon halaga ng mga pera ng ibat-ibang bansa at droga na nagkakahalaga ng P1.85 bilyon mula January 1 hanggang nitong December 4.
Samantala, nakumpiska rin ng BOC ang P1 bilyon halaga ng mga produkto, P413 milyon halaga ng mga sasakyan at maging mga pagkain, PPEs, medical supplies, cosmetics, electronic goods, kemikal, armas at alak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.