Aktibong kaso ng COVID-19 sa mga PDL, 88 na lang ayon sa BJMP

By Dona Dominguez-Cargullo December 17, 2020 - 01:00 PM

Walumpu’t walo na lang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa mga pasilidad ng Bureau of Management and Penology (BJMP).

Sa Laging Handa Public Briefing sinabi ni BJMP Spokesperson Chief Inspector Xavier Solda na karamihan sa 2,000 preso na tinamaan ng sakit ay gumaling na.

Umabot aniya sa 1,987 cases ng COVID-19 ang naitala sa mga persons deprived of liberty o PDL.

Pero sa ngayon, 88 na lang ang aktibong kaso.

Pero ayon kay Solda, nakapagtala ng 25 PDLs na pumanaw sa sakit na pawang mayroong pre-existing medical conditions gaya ng diabetes at hypertension.

Samantala, nakapagtala naman ng 1,017 BJMP personnel na nagpositibo sa COVID-19.

Pero sa ngayon, 32 na lamang ang aktibong kaso.

May naitala ding apat na BJMP personnel na pumanaw sa sakit dahil sa kumplikasyon sa kanilang pre-existing health conditions.

 

 

 

TAGS: BJMP, Breaking News in the Philippines, COVID-19 cases, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, BJMP, Breaking News in the Philippines, COVID-19 cases, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.