Dalawang hinihinalang miyembro ng kidnap-for-ransom group patay sa engkwentro sa Antipolo

By Dona Dominguez-Cargullo December 17, 2020 - 10:14 AM

Patay ang dalawang hinihinalang miyembro ng kidnap-for-ransom group sa engkwentro sa mga otoridad sa Antipolo City.

Naka-engkwentro ng mga tauhan ng the Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang mga suspek alas 5:30 ng umaga ngayong Biyernes (Dce. 17) sa kahabaan ng Marcos Highway sa Sitio Painuman, Barangay Inarawan.

Lulan ang dalawa ng motorsiklo na walang lisensya at nang paparahin sila sa checkpoint ay pinaputukan nila ang mga otoridad.

Dead on the spot naman ang dalawang suspek.

Nakuha sa kanila ang .45 caliber pistol, Uzi sub-machine gun, at mga basyo ng bala.

Ayon sa PNP-AKG, ang dalawa ay miyembro ng “Mokong” kidnap for ransom group.

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, kidnap for ransom group, Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, kidnap for ransom group, Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.