Mahigit 3,500 na pasahero naapektuhan ng service interruption ng MRT-3 kagabi
Umabot sa 3,559 na mga pasahero ang naapektuhan ng service interruptions ng MRT-3 kagabi (Dec. 16).
Sa inilabas na pahayag ng pamunuan ng MRT-3 ngayong (Dec. 17) umaga, isang tren ang nagkaroon ng technical glitch bago sumapit sa Boni Station northbound alas 7:20 ng gabi.
Alas 10:41 na ng gabi nang madala sa depot para sa repair at troubleshooting ang tren.
Humingi ng paumanhin ang MRT-3 sa mga pasaherong naapektuhan ng ipinatupad na provisional service.
Dahil kasi sa naturang problema ang naging biyahe ng MRT-3 ay mula North Avenue Staton lamang hanggang Shaw at pabalik.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.