Pagwasak ng tone-toneladang saging mula sa Pilipinas, di makakapaekto sa trade relations sa China

By Isa Avendaño-Umali March 27, 2016 - 06:13 PM

bananasWalang nakikitang masama ang Malakanyang sa napaulat na pagsira ng Chinese Customs sa mga saging na mula sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Hermino Coloma Jr., masyadong maliit ang volume ng mga nasirang saging para maka-apekto sa Philippines-China trade relations.

Ang tinutukoy ni Coloma ay ang 34.78 na toneladang sub- standatd na mga saging na imported mula sa Pilipinas, na katumbas umano dalawang containers o 2,700 na kahon at may halaga na 1.4 million pesos lamang.

Sinira sa Shenzhen ang mga saging matapos matuklasang may pestisidyo na ‘carbendazim’, na labis-labis sa itinatakdang limitasyon.

Batay naman sa ulat ng Reuters, aabot sa 33 thousand dollars ang presyo ng mga saging na dinurog at ibinaon sa isang landfill.

Ani Coloma, base umano sa Department of Trade and Industry o DTI, maaaring hindi nakalusot sa sanitary at phytosanitary inspections ng China ang mga saging, at upang maiwasan ang kontaminasyon ay nireject at sinira ang mga ito.

Paglilinaw pa ng Malacanang official, routinary ang ginawa ng China at alinsunod sa World Trade Organization.

Ang China ay ang ika-apat sa mga bansang largest export market ng Pilipinas.

Ang iba pa ay ang Japan, Amerika at Hong Kong.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.