Laban nina Pacquiao at Bradley, ‘biggest joke in boxing history’ ani Mayweather Sr.

March 27, 2016 - 01:38 PM

Pacquiao-Bradley-Boxi_Nava-1-e1453277268167Tinawag ni Floyd Mayweather Sr. na ‘biggest joke in boxing’ ang nakatakdang boxing match nina Filipino Boxing Icon Manny Pacquiao at Timothy Bradley sa April 9.

Sa panayam ni Jenna J ng On the Ropes Boxing kay Mayweather Sr., ama ng Floyd Mayweather Jr., sinabi nito na paulit-ulit lamang ang mga nilalabanang boksingero ni Pacquiao.

Matatandaang tinalo ng batang Mayweather si Pacman halos isang taon na ang nakalilipas, pero hindi naisakatuparan ang umano’y rematch ng dalawa.

Pero sa April 9, babalik muli sa ring si Pacquiao laban kay Bradley, na nakalaban na niya ng dalawang beses.

Sa unang bahagi pa ng interview, sinabi ni Mayweather Sr. na kaya naman ni Pacquiao ang rematch sa kanyang anak, pero sa ikalawang bahagi, binigyang diin nito na ang rason ay dahil lamang daw sa pera.

Nauna nang sinabi ni Pacquiao na ang kanyang boxing fight kay Bradley ay ang kanyang huling laban na sa mundo ng boksing, at sa halip ay tututok na lamang sa ibang mahahalagang bagay gaya ng kanyang ambisyong politikal.

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.