DSWD, handang umasiste matapos tumama ang magnitude 6.1 na lindol sa Sarangani
Nagsasagawa ng assessment ang Department of Social Welfare and Development Field Office XII (DSWD FO XII) matapos ang magnitude 6.1 na lindol sa Sarangani province.
Ayon kay DSWD regional director Cezario Joel Espejo, hinihintay na lang ng ahensya ang mga ulat mula sa field at local government units para sa augmentation support requests.
“We are on standby and ready to assist ang augment resources for afftected Local Government Units,” pahayag ni Espejo.
Sinabi ng Phivolcs na naramdaman ang pagyanig sa 11 kilometers northeast ng Alabel dakong 7:22 ng umaga.
Bunsod nito, naitala ang intensity 5 sa General Santos City; intensity 4 sa Kiamba, Sarangani; Tupi at Koronadal City, South Cotabato; at Intensity 3 naman sa Kidapawan City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.