Zika transmission sa pamamagitan ng pakikipagtalik, naitala sa Chile

By Isa Avendaño-Umali March 27, 2016 - 01:22 PM

Zika Virus1Kinumpirma ng Chilean Health Ministry ang kauna-unahang kaso ng sexually transmitted Zika sa kanilang bansa.

Batay sa statement, isang 46-year-old na babae ang tinamaan ng virus matapos makipagtalik nang walang proteksyon sa kanyang partner.

Ang lalaki naman ay nauna nang nagkaroon ng Zika noong nasa Haiti siya.

Ayon sa Chilean Health Ministry, ito ang unang kaso sa mainland Chile, kung saan hindi nag-eexist ang Aedes aegypti mosquito, na nagta-transmit ng virus.

Muli namang nagpaalala ang ministry sa kanilang mga mamamayan laban sa unprotected sex, lalo’t karamihan sa mga nabibiktima ng Zika virus ay hindi nakikitaan kaagad ng mga sintomas.

Mas makabubuti umanong magpractice ng safe sex o kaya naman ay mag-abstain muna sa loob ng apat na linggo matapos manggaling sa mga bansang may mga Zika cases.

Sa kasalukuyan, nasa sampu na ang kumpirmadong imported Zika cases sa Chile, kung saan walo rito ay naitala ngayong 2016 lamang.

 

TAGS: zika virus, zika virus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.