Ilang bahagi ng bansa, uulanin ayon sa PAGASA
Uulanin ang ilang bahagi ng bansa ngayong Easter Sunday.
Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na panahon na may kasamang pag-ulan ang Cagayan Valley at Cordillera Regions, at mga parte ng Aurora at Rizal.
Ang Ilocos Region at ilang bahagi ng Central Luzon ay makararanas ng “partly cloudy to cloudy with isolated rain”, habang ang natitirang parte ng bansa ay “partly cloudy to cloudy with isolated rainshowers or thunderstorms.”
Sinabi ng weather bureau na ito ay bunsod ng northeast monsoon o hanging amihan.
Batay naman sa ilang post ng mga netizens sa social media, inulan ang Quezon Province at Rizal kaninang madaling araw.
Kaugnay nito, sinabi ng PAGASA na bumagsak ang temperatura sa Metro Manila kahapon ng Sabado, kumpara sa nairekord na mainit na panahon noong mga nakalipas na araw.
Naitala ang 24 degrees Celcius sa Kalakahang Maynila alas-sais ng Sabado umaga, habang tumaas sa 34 degrees noong alas-tres ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.