Umano’y hindi otorisadong pagbabakuna laban sa COVID-19 sa Binondo pinaiimbestigahan ni Moreno
Pinaiimbestigahan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang napaulat na hindi otorisadong pagbabakuna laban sa COVID-19 sa Binondo.
Sa kaniyang liham sa City Health Office, Bureau of Permits at sa Manila Police District, iniutos nito ang alamin ang katotohanan sa likod ng nasabing balita.
Sinabi ni Moreno na kung totoong may nagaganap na pagbabakuna, tiyak na hindi ito otorisado.
Ayon sa alkalde, wala pang vaccination program ang lokal na pamahalaan dahil wala pa namang inaaprubahan ang national government para dito.
Binigyan lamang ni Moreno ng 48 oras ang mga otoridad para isumite ang resulta ng kanilang imbestigasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.