500 residente sa Navotas, nakatanggap ng ayuda mula sa sweldo ni Tiangco
By Angellic Jordan December 15, 2020 - 08:22 PM
Nakatanggap na ng financial assistance ang ilang residente sa Navotas City.
Ayon sa Navotas government, aabot sa 500 residente ang nakatanggap ng P2,000 ayuda.
Nagmula ito sa sweldo ni Mayor Toby Tiangco.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga hindi nakatanggap ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program o SAP at anumang financial assistance.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.