Isabela isinailalim muli sa GCQ hanggang Dec. 31
Balik ang pag-iral ng general community quarantine sa lalawigan ng Isabela dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Spokesperson Harry Roque, buong Isabela maliban lamang sa Santiago City ay sasailalim muli sa GCQ.
Mismong si Isabela Gov. Rodito Albano ang humiling sa IATF na maipatupad muli ang GCQ sa lalawigan.
Sa nakalipas kasi na dalawang linggo at tumaas ang attack rate sa Isabela.
Maliban sa Isabela, ang iba pang mga lugar na nakasailalim sa GCQ hanggang Dec, 31 ay ang Metro Manila, Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan, at Davao City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.