15 katao, nagpa-pako sa krus sa Pampanga

By Kathleen Betina Aenlle March 25, 2016 - 03:42 PM

(AP Photo/Aaron Favila)
(AP Photo/Aaron Favila)

Labinlimang kalalakihan ang nagpa-pako sa krus sa Pampanga ngayong Biyernes Santo bilang pagpe-penitensya at pagpapatuloy ng ritwal na nakaugalian nang gawin sa loob ng ilang taon.

Bagaman sa Central Luzon ito ginawa, ang mga nagpa-pako sa krus ay halong mga taga-roon at mga dayo.

Sa Brgy. San Pedro Cutud, nasaksihan ang pagpepenitensya nina Ronald Lazaro, Crisaldo Macaspac, Bernardo Calosa, Ramil Lazaro, Victor Caparas, Bobby Gopez na taga Quezon province pa, at si Ruben Enaje na ika-30 beses nang nagpa-pako sa krus.

Tumagal ng 11 minuto sa krus si Enaje sa halip na 5 minuto lang katulad nang nakaugalian.

Nagsimula ang ritwal sa Brgy. Sta. Lucia, kung saan may tatlong pinako sa krus kabilang sina Melchor Montoya, Danilo Ramos at Fernando Mamangun.

Sunod naman sa Brgy. San Juan kung saan nagpa-pako si Wilfredo Salvador sa kaniyang ika-10 beses, at si Alex Viray na nasa kaniyang ika-8 taon na ng penitensya.

Sa Angeles City sa Brgy. Lourdes North West, ipinako rin sa krus sina Rey Sabangan, Erwin Lumacang at Angelito Mengilla.

Una nang pinaalalahanan ang mga debotong Katoliko na hindi naman kinakailangan pang magsagawa ng penitensya at magpa-pako sa krus, bagkus ang kailangan lamang ay ang taos-pusong pagninilay at pagsi-sisi sa mga kasalanan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.