Pilipinas hindi mapag-iiwanan sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19
Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na hindi papayag si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi makabili ang Pilipinas ng bakuna kontra COVID-19.
Pahayag ito ng palasyo sa gitna ng ulat na kino-corner ng nga mayayamang bansa ang mga bakuna.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, may mga pamamaraan nang ginagawa ang pangulo para masiguro na may makukuhang bakuna ang Pilipinas.
Hindi kasi aniya katanggap-tanggap sa pangulo kung mapag-iiwanan ang Pilipinas para malagpasan ang pandemya.
Sigurado aniyang magiging pursigido rin si Vaccine Czar Carlito Galvez na makakuha ng bakuna.
Sa ngayon, ikinakasa na ng Pilipinas ang pagbili ng bakuna sa mga kompanyang Pfizer, AstraZeneca, Sinovac at Sinopharm.
Animnapung milyong Filipino ang target na bakunahan ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.