MMDA nagsagawa ng operasyon sa sa unang araw ng muling pagpapairal ng truck ban

By Dona Dominguez-Cargullo December 14, 2020 - 11:22 AM

Nagsagawa ng operasyon ang MMDA sa unang araw ng muling pagpapairal ng truck ban sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Ayon sa MMDA, sa kahabaan ng EDSA mula sa Magallanes hanggang sa North Avenue ay 24-oras na iiral ang truck ban.

Habang 6AM to 10AM naman at 5PM to 10PM ang truck ban sa iba pang pangunahing lansangan.

Ayon kay MMDA EDSA Traffic Head Bong Nebrija, maging ang mga closed van lamang ay kailangang parahin ng MMDA para tignan ang kanilang papel at malaman ang kanilang loading capacity.

Kahit kasi closed van lang hindi aniya dapat lalagpas sa 4,500 kilograms ang kanilang loading capacity.

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, edsa, Inquirer News, Metro Manila, mmda, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, truck ban, Breaking News in the Philippines, edsa, Inquirer News, Metro Manila, mmda, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, truck ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.