18 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Baguio City; 1 pang pasyente ang pumanaw
Umabot sa 18 residente pa sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.
Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 7:00, Linggo ng gabi (December 13), umabot na sa 3,393 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 295 ang aktibo pang kaso.
48 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.
Bunsod nito, 3,050 na ang total recoveries sa Baguio City.
Isang 53 anyos na pasyente naman ang panibagong naitalang nasawi sa lungsod.
Ang naturang pasyente ay nagpositibo sa COVID-19 noong December 9 at nasawi dahil naging kritikal ang kaniyang COVID-19 symptoms dahil sa pagkakaroon ng Acute Respiratory Failure at Hypertension.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.