Isa patay, pito sugatan sa aksidente sa Cebu City

By Dona Dominguez-Cargullo December 11, 2020 - 09:07 AM

Isa ang nasawi habang pito ang nasugatan sa aksidente na naganap sa tunnel sa South Road Properties (SRP) sa Cebu City, Huwebes (December 10) ng gabi.

Kabilang sa nasugatan ay isang police police officer.

Batay sa ulat ng Waterfront Police Station (Cebu City Police Station 3) inararo ng isang sports utility vehicle (SUV) ang anim na motorsiklo sa southbound lane ng tunnel na nakasilong doon dahil sa nararanasang pag-ulan.

Kinilala ng mga otoridad ang nasawi na si Stephanie Hetutua, 26 anyos na isa sa mga sakay ng motorsiklo.

Sugatan naman ang limang iba pa na kinilalang sina Police Captain Angelito Valleser, 44; Klent Christian Mansueto, 26; Jill Pacaña, 44; Jessie Abay, 33; Armando Gonzaga, 50; Joaquin Cutamora, 35; at Ronel Melecio.

Sina Mansueto, Cutamora, Melecio, at Valleser ay kinailangang dalhin sa ospital.

Ang SUV ay minamaneho ni Tareq Leleng Farhat, 19 anyos.

Ayon kay Farhat nabulaga siya sa mga nakahintong motorsiklo at kahit inapakan niya ang preno ay nawalan sya ng kontrol sa sasakyan dahil sa madulas ang kalsada.

 

 

TAGS: accident, Breaking News in the Philippines, Cebu City, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, South Road Properties Tunnel, Tagalog breaking news, tagalog news website, accident, Breaking News in the Philippines, Cebu City, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, South Road Properties Tunnel, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.