PNP walang namomonitor na banta sa seguridad sa bansa kasunod ng pambobomba sa Belgium
Walang namomonitor na anumang banta sa seguridad sa bansa ang pambansang pulisya kasunod na rin ng naganap na suicide bombing sa Brussels Belgium.
Ayon kay PNP Spokesman PCSupt Wilben Mayor, patuloy ang kanilang pagbabantay pero so far, wala silang natatanggap na banta ng terorismo ngayong semana santa
Kaugnay nito, agad din umanong naglabas ng direktiba ang liderato ng PNP at ipinag utos na mas maging mapagmatyag at sitahin agad ang mga may kahina hinalang kilos lalo na sa matataong lugar
Ani Mayor, pinadagdagan na rin ni CPNP ang kanilang mga tauhan lalo na sa mga paliparan, pantalan at mga bus terminals bilang precautionary measures kasunod ng naganap na bombing sa airport sa Belgium.
Sa kasalukuyang ulat ng gobyerno ng Belgium na hindi baba sa 34 katao na ang bilang ng mga namatay mula sa magkahiwalay na pagsabog sa airport at isang subway station ng naturang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.