Babala ng Palasyo sa gusot ng Valenzuela LGU at NLEX: Baka tabangan ang investors

By Chona Yu December 10, 2020 - 07:52 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

Nagbabala ang Palasyo ng Malakanyang na maaaring tabangan ang investors na mamuhunan sa bansa kung magpapatuloy ang gusot sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela at operator ng North Luzon Expressway.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaari kasing ma-turn off ang mga investor kung may mga kahalintulad na insidente sa Pilipinas.

Pero ayon kay Roque, naiintindihan ng Palasyo kung kinansela ng Valenzuela ang business permit ng NLEX dahil sa hindi maayos na implementayson ng RFID.

Hindi kasi aniya dapat na ipagkait sa mga local government unit ang kanilang kapangyarihan na magpatupad ng suspension order kung may nalalabag na mga regulasyon.

“Hindi naman po natin pupuwedeng ipagkait sa mga lokal na pamahalaan iyong kanilang hurisdiksiyon na mag-isyu ng business permits, dahil iyan po ay nasa batas din, nasa Local Government Code at kasama po sa konsepto ng local autonomy na kabahagi rin po ng ating Saligang Batas,” pahayag ni Roque.

“But at the same time, kinakailangan din nilang isipin na babalansehin natin ito dahil iyong mga proyekto na kagaya ng expressways na dinibelop [developed] po ng mga pribadong sector ay baka mamaya eh ma-turn off ang mga future investors kung palaging mangyayari ito,” dagdag pa nito.

Kaugnay nito, kinakalampag ni Roque ang Toll Regulatory Board na nasa ilalim ng ehekutibo para umaksyon o gumawa ng paraan para agad nang maresolba ang problema.

Dapat din aniyang matiyak ng mga toll operator na mapalitan ang luma at sirang sensors para mapabilis ang daloy ng trapiko, at ilipat ang radio frequency identification o RFID installation at reloading lanes.

Ayon pa kay Roque, palagian din dapat na mapananatili ang maayos na maintenance at pag-upgrade ng system software ng NLEX gayundin ang pagpapahusay sa kanilang customer service.

TAGS: cashless toll system, Inquirer News, NLEX, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, suspension order NLEX, Valenzuela LGU, cashless toll system, Inquirer News, NLEX, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, suspension order NLEX, Valenzuela LGU

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.