Mahalaga ang NTF-ELCAC para matapos ang insurgency problem – Sen. Go

By Jan Escosio December 10, 2020 - 07:35 PM

Ipinagdiinan ni Senator Christopher Go ang kahalagahan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para matapos na ang matagal ng problema sa armadong pakikibaka ng NPA.

“Trabaho po ng NTF-ELCAC ‘yan. Binubuo po ng iba’t ibang… mga ahensya ng gobyerno at kasama na rin si Pangulo dito (bilang Chair) at ang National Security Adviser (Hermogenes Esperon) ang Vice-Chair nito,” sabi ni Go.

Binuo ang task force sa pamamagitan ng Executive Order No. 70 noong 2018 at layon nito ang isang hakbang para magkaroon na ng ganap na kapayapaan sa Pilipinas.

Kasabay nito, nanawagan si Go sa mga nais pabagsakin ang administrasyon na kilalanin ang pagpili ng mayorya ng mga Filipino kay Pangulong Duterte para pamunuan ang bansa.

“Para naman sa mga komunista, you are free to criticize the government,” diin ng senador sa katuwiran na kinikilala ang kalayaan ang malayang pamamahayag ngunit ibang usapan na ang pagkilos para isabotahe ang gobyerno.

TAGS: Inquirer News, NPA, NTF-ELCAC, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go, Senate, Inquirer News, NPA, NTF-ELCAC, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.