Palasyo, tiniyak na gagawin ang lahat para maisabas ang 2021 budget sa takdang panahon
Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na gagawin ng administrasyon ang lahat ng kakailanganing hakbang upang maisabatas sa takdang panahon ang 2021 national budget.
Ito ay kapag naisumite na ng Kongreso sa Malakanyang ang kopya ng pambansang pondo.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi ito nangangahulugan na maisasakripisyo ang kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte na busisiin ang budget at sigurihin na lahat ng nakapaloob dito ay alinsunod sa Konstitusyon.
Ayon sa kalihim, makakaasa rin ang mga Filipino na gagamitin ni Pangulong Duterte ang kaniyang kapangyarihan para sa line veto kung kinakailangan.
Matatandaan na araw ng Miyerkules, December 9, niratipikahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang pinal na bersyon ng P4.5-trillion 2021 national budget.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.